Nuclear medicine centre to rise at DOST-PNRI

 



Medical cyclotron and PET CT Scanners in one setting.  DOST Secretary Fortunato T. de la Peña (third from left) says that the Philippine Nuclear Research Institute's Nuclear Medicine Research and Innovation Centre, the first government facility that houses a medical cyclotron and PET CT scanners in one integrated setting, will sustainably provide quality nuclear imaging service. Others in photo: (L-R) DOST-PNRI Deputy Director Dr. Vallerie Ann I. Samson, DOST Undersecretary for R&D Dr. Rowena Cristina L. Guevara, DOST-PNRI Director Dr. Carlo A. Arcilla, S&T Fellow Dr. Thomas Neil B. Pascual, and Program Leader Adelina DM. Bulos. (Note: Officials in photo had a distance of more than one meter from each other and wore their face masks immediately after the quick photo-op. Photo by Niña Grace S. Pineda, TDD-NIDS)

Cyclotron and PET-CT scans

 The Centre's medical cyclotron will produce the PET radiopharmaceuticals which will be used to produce images that will help physicians diagnose almost all types of cancers, heart diseases, and neurological disorders.
 
In contrast to invasive procedures where doctors make incisions or punctures, PET-CT scans are non-invasive, clinically-proven, cost-effective, and safe procedures in investigating the condition of a certain organ or to confirm the suspicion of a disease.
 
Nuclear med training and R&D hub
 
Aside from helping make cancer diagnostics and treatment more affordable to Filipinos, Usec. Guevara informed that the Centre will also become a training hub for human resources development in the fields of PET radiochemistry; PET radiopharmaceutical production and quality control; and hybrid imaging services.
 
She also said that the establishment of the Centre will step up the country's researches in new and emerging radiopharmaceuticals other than F18 FDG; novel radioisotopes for PET like metallic radiopharmaceuticals; treatment modality and management in oncology; neuro-related degenerative diseases like Parkinson's, Alzheimer's, and others; PET application in studying pulmonary inspections due to Covid 19; and radiation metrics and safety.
 
The Centre will likewise enable multi-disciplinary and collaborative research among physicists, physicians, pharmacists, chemists, molecular biologists, and others.
 
"This is also a personal advocacy," said PNRI Director Arcilla who revealed that his own sister battled with cancer which was diagnosed late. "As this Centre will offer more affordable services, it will help in the early diagnosis of cancer which will have better chances of cure."
 
Further, he informed that the radiopharmaceuticals to be produced by the Centre's cyclotron facility will also be used in a cancer center that will be established shortly by the UP-Philippine General Hospital just beside the PNRI compound. The Centre is expected to complete its construction after one year.
 
This project is under the program "Innovating Nuclear Medicine Research and Services: Development of Emerging PET Radiopharmaceuticals for Early Cancer Staging and Assessment of Biologic Functions in Cancer Cells" led by Ms. Adelina DM. Bulos, with the assistance of DOST-PNRI S&T Fellow and former Balik Scientist Dr. Thomas Neil B. Pascual. (By the Nuclear Information and Documentation Section, Philippine Nuclear Research Institute)

Nuclear medicine centre to rise at DOST-PNRI

The Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) of the Department of Science and Technology (DOST) today laid the grounds for the construction of a nuclear medicine center that will help make cancer diagnosis and treatment more affordable.
 
Nuclear medicine refers to a medical imaging that uses small amounts of radioactive materials called radiopharmaceuticals. Injected to a patient, these radiopharmaceuticals produce images and are tracked by physicians through the use of specially designed cameras. Images of target tissues produced by these radiopharmaceuticals help physicians diagnose or treat a variety of diseases, including many types of cancers, heart diseases, and certain other abnormalities within the body.
 
Leading the groundbreaking ceremony was DOST Sec. Fortunato T. de la Peña, along with DOST Undersecretary for R&D Dr. Rowena Cristina L. Guevara and DOST-PNRI Director Dr. Carlo A. Arcilla. The facility, called the Nuclear Medicine
Research and Innovation Centre, will house a medical cyclotron and Positron Emission Tomography- Computed Tomography (PET- CT) Imaging Centers.
 
As such, the Centre will be the first government facility that houses a medical cyclotron and PET-CT scanners in one integrated setting.
 
"Through this Centre, cancer staging and management will be more affordable and reachable to the common Filipino people," Sec. de la Peña said, emphasizing that the establishment of the Centre is "in line with the goals of universal health care for the Filipino people."



Construction starts now.  DOST Secretary Fortunato T. de la Peña (middle) leads the groundbreaking rites of the Philippine Nuclear Research Institute's Nuclear Medicine Research and Innovation Centre which will help make cancer diagnosis and treatment more affordable. With him are (L-R, both photos) DOST Undersecretary for R&D Dr. Rowena Cristina L. Guevara and DOST-PNRI Director Dr. Carlo A. Arcilla. (Photo by Framelia V. Anonas, TDD-NIDS) 

-30-

IAEA nag organisa ng kumperensya ukol sa fusion energy sa St. Petersburg, Russia

St. Petersburg – ginanap nitong nakaraang Oktubre 13-18 ng taong ito ang 25th IAEA Fusion Energy Conference (FEC 2014) sa bayan na ito ng Russian Federation.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng pamahalaan ng Russian Federation sapamamagitan ng Rosatom Nuclear Energy State Corporation, na nagkaloob ng lugar para sa talakayan ukol sa key physics and technology issues pati innovative concepts at direct relevance ng fusion bilang pagmumulan ng nuclear energy.

Ang kumperensya ang sinasabing pinakamalaking kumperensya sa mundo sa bahagi ng nuclear fusion. Nilalaman ng programa ng kumperensya ang ibat-ibang sesyon sa plenaryo at poster sesyon pati exhibits at technical tour sa mga scientific research institute na may kinalaman sa mga trabahong ng International Thermonuclear Experimental Reactor (ITER) na matatagpuan sa Cadarache, France.

Thematic sessions tungkol sa mga topic gaya ng fusion engineering, fusion nuclear physics and technology, innovative confinement concept at iba pang naging bahagi ng kumperensya kabilang rin ang paggawad ng parangal ukol sa Nuclear Fusion Prize para sa natatanging nagawa tungkol sa nuclear fusion.

Ang nagsilbing mga tagapagsalita sa panimulang sesyon ay kabilang sina IAEA Deputy Director General Alexander Bychkov; I.G. Borovkov, Deputy Head of the Central Office of the Government of the Russian Federation; M.V. Kovalchuk, Director of the National Research Centre Kurchatov Institute;  E.P. Velikhov, President of the National Research Centre Kurchatov Institute; V.E. Fortov, President of the Russian Academy of Sciences, at V.A. Pershukov, Deputy Director General of the State Atomic Energy Corporation Rosatom. Sa panimulang sesyon binuksan ni Deputy Director General Bychkov na siyang naggawad ng 2013 at 2014 Nuclear Fusion Prize Awards.

Lahat ng mga sesyon sa nasabing kumperensya, exhibits at isang technical tour ay nagsilbing bukas para sa mga mamamahayag at journalists na nagkokober ng pagpupulong na inimbitahan sa press opportunity kasama ang IAEA Deputy Director General Bychkov at iba pang opisyales.

Ang mga impormasyon ukol sa akreditasyon ay matatagpuan sa website ng kumperensya kasama ang programa at iba pang impormasyon, ang IAEA ay nag host din ng iba pang pandaigdigang kumperensya kada ikalawang taon ukol sa Nuclear Fusion Energy.

Ang mga dati nang kumperensya ay ginanap sa Salzburg (1961), Kulam (1965), Novosibirsk (1968), Madison (1971), Tokyo (1974), Berchtesgaden (1976), Innsbruck (1978), Brussels (1980), Baltimore (1982), London (1984), Kyoto (1986), Nice (1988), Washington (1990), Wurzburg (1992), Seville (1994), Montreal (1996), Yokohama (1998), Sorrento (2000), Lyon (2002), Vilamoura (2004), Chengdu (2006), Geneva (2008), Daejeon (2010) and San Diego (2012).///Michael balaguer batay sa impormasyon buhat sa IAEA

PNRI Nakalikha ng panlinis ng sugatmulasapulot-pukyutan

NAKALIKHA ng epektibong panlinis ng sugat mula sa karaniwang pulot puktuyan sa bansa ang Philippine Nuclear Research Institute – Department of Science and Technology (PNRI-DOST).

Sinamantala ng mga Science research specialists mulasa PNRI’s Biomedical Research Section ang mga antimicrobial properties ng nasabing mga karaniwang produkto at ang kamurahan nito bilang karampatang alternatibo o mas mabisa pa sa mga to antibiotics para gamutin ang mga malalang sugat at paso.

“Honey has, since ancient days, been used for medicinal purposes; its composition makes it a very effective agent for healing wounds,” ayonkay Biomedical Research Section head Zenaida De Guzman.

Dagdag pa ni Ms. De Guzman, angpulot-pukyutan ay isang natatanging magagamit para anglinis ng sugat hindi lang sa mga antimicrobial at potentially anti-inflammatory composition bagkus ay sa taglay nitong mababang pH level na akma sa mabilis paggaling.

Ang taglay na asukal nito ang tumutulong sa paglikha ng langib, habang ang mababang moisture ang nagbibigay sa pulot pukyutanng  mahabang shelf-life. dagdag pa rito ay ang mababang water activity ay tumutulong upang ang gamit na panlinis ng sugat ay ialis ang tubig kaya mapapadali ang paghilom ng sugat at mababawasan ang tsansa ng infection.

Kabilang sa mga samples na nakuha buhat sa University of the Philippines Los Baños, 3 uri ng pulot pukyutan ang napag aralan kabilang ang mga: ang pineapple flower honey mula Bacolod na halos kagaya ng mga karaniwang antibiotic, ang scarce coconut honey mula Mindanao at ang natural dark honey mula sa kabundukan ng Northern Luzon, kapwa mabisa gaya ng mga antibiotics sa pakikipag laban sa mga pathogens gaya ng Staphylococusaureus.

Dahil nga matatagpuan madali kahit saan ay nagging madali sa mga mananaliksik na hanapin ang nasabing mga samples at ang resulta ay madaling naghilom ang mga sugat ng mga kunehong pinag eksperimentuhan nit nilapatan ng generic Neomycin; o mas mabilis pa ng isang araw ang paghilom kaysa sa antibiotic.

Sa mga Pre-clinical testing sa government hospital nag papakita sa paggamit ng pulotpukyutan sa paglinis ng sugat ay epektibo rin itong makapag hilom sa mga nasunog at paso na halos maaga ng isang buwan ang paghilom.

Ang ginagamit ngayon ng mga ospital ay Sodium alginate mula sa brown algae panlinis ng sugat ay nagsilbing base para sa pulot pukyutan. Pinaghahalo at imino molde ito na ginagawang gasa bago isprayan ng calcium chloride at i-ba-bind.

Pagkatapos maicure, patuyuin at i-package a vacuum-packed aluminum foil ang panlinis ng sugat na ito ay irradiated ng 25 kilogray sa PNRI Multipurpose Irradiation Facility upang panatilihing microbe-free at longer-lasting.

Inaplay ng patent nuong nakaraang taon ng Biomedical Research Section ang honey dressing at natapos ang mga clinical tests. Inaasahan ni Ms. De Guzman na maiko-commercialize itosataong2015. (Jane Balaguer)

 Apat na bansang aprikano sumang ayon sa isang Water Management Programme

 SA LAYUNING mapag ibayo ang management ng water resources, apat na bansa sa hilagang silangan aprika ang sumangayon sa International Atomic Energy Agency (IAEA) na lumikha ng isang long-term framework para gamiting susi ang underground water system.

Chad, Egypt, Libya and Sudan ang lumagda sa Strategic Action Programme (SAP) na naglalayong palakasin at gawing pantay pantay ang paggamit ng Nubian Sandstone Aquifer System, isang malaking water resource na matatagpuan sa ilalim ng nasabing mga bansa sa Vienna Austria.

Ayon rin sa SAP ikinu commit din ang naturang mga bansa na palakasin at magtayo sa kabila ng mga previously existing regional coordination mechanism, bilang bahagi ng bagong Joint Authority para sa Nubian Aquifer System.

Inilalatag ng Programme ang groundwork sa pagpapa angat ng pagtutulungan sa gitna ng nasabing mga bansa upang mapalakas ang kakayahang bantayan at hawakan ang maayos na operasyon ng aquifer.

Sa paglaki nang bilang ng mga tao at ang pangangailangan ng tubig lalo sa nasabing rehiyon ay lalong kinailangan ang aquifer. Ang pag alis ng tubig ng walang anu mang pagkakaunawaan sa mga hangganan at ang mga implikasyon na nagbabadya sa kalidad ng tubig ay ang nag aambang pangamba rin sa biodiversity at magpapalakas sa pagsira ng lupa.

Nagdulot ang kasunduan buhat sa magkasamang technical cooperation project ng United Nations Development Programme (UNDP) at Global Environment Facility (GEF), ang United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) at ang IAEA.

“I congratulate all involved on this significant achievement,” ayon kay IAEA Director General Yukiya Amano.

“Water is a key resource, and effective management and use of such water resources is essential for the future. The agreement of the Strategic Action Programme is the result of real cooperation between the four States, the Agency and UNDP-GEF. I am confident that this Programme will be a success and will benefit the people of the region. This positive project experience benefits strengthened and expanded cooperation between the IAEA and the UNDP-GEF.”

“UNDP would like to congratulate the governments of Egypt, Libya, Chad and Sudan for achieving this important milestone towards the cooperative management of their shared sub-surface waters which will help to ensure maintenance of livelihoods and ecosystems dependent upon the aquifer,” pahayag ni UNDP Administrator Helen Clark.

Ang Strategic Action Programme ay nilagdaan ni G. Ali Mahamat Abdoulaye, Ministry of Urban and Rural Water Supplies, Chad; H.E. Eng. Ahmed Mostafa Emam, Minister of Electricity and Energy, Egypt.; H.E. Eng. Al Hadi Suleiman Henshir, Ministry of Water Resources, Libya; Her Excellency D.Tabita Potros Teia Shokai, State Minister, Ministry of Water Resources and Electricity, Sudan; at Prof. Seifeldin Hamad Abdalla, Chair of the new Joint Authority. (michael n. balaguer)

Pagpupulong ng IAEA tinutukan ang nuclear at isotopic science upang to proteksyunan ang mga karagatan

ANG ating marine ecosystems ang nagpapanatili ng kalusugan ng ating mga karagatan na kung saan dumaraan sa napakabigat na stress. Ang Levels of acidity ng ating mga karagatan ay tumataas at ito ay bumibilis lalo sa kasalukuyan. Ito ay nagbabadyang pangamba na isang banta sa ating mga karagatan at mga nabubuhay rito at lahat naka depende sa mga karagatan.

Bunsod nito maraming mga world’s top marine scientists ang nagpulong sa Vienna upang talakayin ang multi-faceted na suliraning ito at ilatag ang mga paraan upang ito ay matugunan.

Ang agham sa likod nito ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng IAEA na gumamit ng isotopic techniques na may ginampanang papel bilang susi upang matutunan ang mga epekto ng acidification sa ating mga karagatan.

“In dealing with threats to the health of the seas, governments need accurate data. For that, they need skilled researchers who can devise accurate models to help predict future conditions. That way, governments can start implementing the appropriate strategies to protect the seas and oceans,” pahayag ni IAEA Director General Yukiya Amano sa mag nakibahagi sa IAEA’s Scientific Forum na may titulong The Blue Planet – Nuclear Applications for a Sustainable Marine Environment.

“The IAEA helps to make this possible. We promote a comprehensive approach to the study, monitoring and protection of marine, coastal and terrestrial ecosystems. We support effective global cooperation to address the threats to our oceans.”

Ang ating mga karagatan ay di lang nakapagbibigay sa atin ng; ina absorb naman ang marami o sangkapat ng mga man-made CO2.pinabababa ang greenhouse effect, ngunit nakapagda ragdag ito sa acidity ng tubig dagat, na nagdudulot ng mapanganib na kapaligiran para sa calciferous plankton, crustaceans, molluscs at coral reefs.

Sa lahat ng mga bahagi ng ecosystem na magkakaugnay, lahat ng buhay sa mga karagatan ay nagdurusa sa tumataas na libel ng acidity. Ang nasabing dalawang araw na pagpupulong ay isinagawa kaalinsabay ng IAEA’s annual General Conference at hinati ito sa tatlong sesyon. Ang unang sesyon ay nakatutok sa mga pressures na hinaharap ng coastal and marine systems at ang pangangailangan sa pakikipagtulungan ng agham upang makalikha ng mga pagtugon. Samantala ang ikalawang sesyon ay tumutugon sa radioactive at non-radioactive pollution sa mga coastal at marine ecosystems, habang ang ikatlong ay patungkol sa kung paano ang nuclear at isotopic techniques ay makapagpapaibayo sa pagkaka unawa ng mga coastal processes at ang kanilang mga papel para sa sustainable development, at ang efforts upang likhain ang resilience ng coastal at marine system. (michael n balaguer)

nuclear science sa agrikultura at water management  pagtutulungan ng PNRI-DOST at IAEA-UN

NAGTUTULUNGAN ang International Atomic Energy Agency (IAEA) ng United Nations at ng ating Department of Science and Technology-Philippine
Nuclear Research Institute (DOST-PNRI) hindi lang sa bahagi ng
agrikultura na may interbensyon ng nuclear science kundi pati sa water
management o ang kalagayan ng kalidad ng malinis na tubig inumin.

nabatid sa datos buhat sa IAEA kabalikat nuon ang Food and Agriculture
Organization (FAO) na maraming bansa sa daigdig ang wala pang access
sa malinis na tubig inumin, bunsod nito ay nagtutulungan ang dalawang
nasabing sangay ng United nation upang i-address ang suliraning ito.

bagaman ang bansa (Pilipinas) ay di kasali sa naturang mga bansa dahil
napapaligiran tayo ng tubig at may iilan lamang na bayan sa atin ang
walang access sa malinis na inuming tubig, minabuti ng nasabing mga
pandaigdigang organisasyon kabalikat ang ating mga lokal na dalubhasa
na lumikha ng mga patakaran, kasama na ang mga programa at proyektong
tuluyang di maglalagay sa atin sa talaan ng mga bansang walang access
sa malinis na inuming tubig.

samut-sari ang mga programang pinagtulungan ng PNRI at ng IAEA ukol sa
water na kabalikat ang kagawaran ng pagsasaka at kapaligiran layon ay
tiyaking ang ating mga iniinom na tubig ay ligtas sa mga waterborn
diseases gaya ng diarrhea at ecoli, at matitiyak lamang ito sa
pamamagitan ng nuclear science and technology.

ayon sa IAEA, hindi nahuhuli ang bansa sa bahagi ng agahm ukol sa nukleyar kahit wala tayong nuclear energy facility o nuclear defense capability dahil marami namang peaceful uses ang nuclear science.

dahil sa kakulangan sa tamang awareness at edukasyon ayon sa IAEA, di
alam ng marami na ang ating mga ospital at industriya ay matagal nang
gumagamit ng nuclear applications dahilan upang maging competitive
sila sa pandaigdigang pamilihan kaugnay sa mga larangan ng medisina,
industriya at agrikultura. (MJ Balaguer)

multinasyunal na programa ukol sa bagong mga binhi na resistant sa wheat stem rust (Ug99) suportado ng FAO at IAEA

VIENNA – isang multinasyunal na programang suportado ng International Atomic Energy Agency ng U.N. at ng Food and Agriculture Organization ang sinimulan sa isang Kenyan university ukol sa dalwang varieties ng disease-resistant wheat para sa kanilang mga magsasaka.

Sa  nakaraang dalawang taon ay nagtutungo ang mga magsasakang  Kenyan sa Eldoret University sa western Kenya para sa nakaraang dalawang araw na  agriculture fair kung saan ipinakikita ang makabagong teknolohiya sa pagsasaka.

Ang sumusuporta sa pagbuo ng mga bagong variety ay ang IAEA’s Technical Cooperation Department kabalikat ang magkasamang FAO/IAEA Programme of Nuclear Techniques sa Food and Agriculture.

Kanilang hinahawakan ang isang interregional technical cooperation project na may layuning makalikha ng varieties ng trigo na  resistant sa mga devastating type ng fungus, na nagdudulot ng sakit na tinaguriang wheat stem rust.

Nabatid na ang Wheat stem rust ay kontrolado pa sa nakaraang 30 taonyears,  ngunit muli itong sumulpot at nadiskubre nuong 1999 sa Uganda na mabilis na kumalat sa kapitbansa nitong Kenya.

Ang wheat stem rust ay buhat sa strain ng fungus na kilalang Ug99 ipinangalan buhat sa lugar na pinagmulan nito at taon kung kailan ito natuklasan, kumalat na rin ito sa Iran, Yemen at South Africa at nag aambang manalasa hanggang India dahil nga ang mga spores nito ay maaring dalhin ng hangin. ang mga Parasitic rusts ay banta sa pandaigdigang produksyon ng trigo, pinabababa ang kalidad ng paglaki ng halaman at ang ani.

Ang nasabing sakit rin ay kayang manira hanggang 70-100 bahagdan nang ani ng trigo kung di mapipigilan. Ang pagiibayo sa katiyakan sa pagkain ng mga umuunlad na bansa sa pamamagitan ng mga  nuclear techniques ay mahalagang prayoridad ng IAEA,”

Ayon kay IAEA Director General Yukiya Amano  “I am pleased that we have been able to make an important contribution to fighting wheat rust.”“Wheat rusts, particularly the Ug99 strain, are a major threat to food security because rust epidemics can result in devastating yield losses. This international project involving affected countries, plant scientists and breeders and international organizations is a major breakthrough. It clearly shows the benefits of FAO/IAEA collaboration and that working together we can overcome the challenges we face,”

Ayon naman kay FAO Director-General Jose Graziano da Silva. ang mga rust-resistant wheat varieties ay nilikha na sinuportahan sa pamamagitan ng IAEA technical cooperation project, “Responding to the Transboundary Threat of Wheat Black Stem Rust (Ug99)”, kabilang ang higit sa 20 bansa at mga internasyunal na mga organisasyon. Ang mga varieties na nalikha sa pamamagitan ng nuclear technique para sa pag iibayo ng pananim ay kilala bilang mutation breeding. sa pamamagitan ng pag e expose sa mga binhi o ang tissue ng halaman sa radiation napapabilis ng mga ahgamista ang karaniwang paraan ng mutation at nakapipili ang mga  breeders ng mga bagong at nilikhang varieties. Nuong 2009, si Miriam Kinyua, isang Kenyan plant breeder, naghatid ng 10 kilograms ng limang varieties ng binhi ng trigong buhat sa FAO/IAEA laboratories sa Seibersdorf, timog ng Vienna, kung saan ito ay na irradiated para sa mutation breeding. ang nasabing mga binhi ay muling ibinalik sa Kenya kung saan itatanim sa mga hot spot para sa screening at selection.

Kinilala ni Kinyua at ng kanyang mga kasama sa University of Eldoret’s Biotechnology Department ang walong linyang resistant sa Ug99. Apat sa mga ito ay isinumite sa  Kenyan national performance trials, at dalawa ay inaprubahan bilang mga opisyal na variety ng national committee ng kanilang Ministry of Agriculture.

Tinatayang anim na toneladang binhi ng mga bagong varieties ang lilikhain ngayon buwan at sa susunod na  planting season sa Kenya. (michael n balaguer)

Isotope Tracer Technique na Paraan ng Matalinong Mambubukid, Pagtutulungan ng PCAARRD at PNRI

HINDI naman laos ang sinaunang paraan ng pagsasaka ngunit dahil nga isang kumikitang kabuhayan ang pagbubukid sa maraming bahagi ng daigdig, kinailangan na rin ngayon sa bansa ang interbensyon ng agham at teknolohiya.

Sa pagtutulungan ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and natural Resources Research and Development (PCAARRD) na nakabase sa Los Banos Laguna at ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) na nasa lungsod Quezon kapwa mga sangay ng Department of Science and Technology (DOST) binuo ang isang pag aaral upang makatulong mai angat ang paraan ng pagsasaka ng pinoy.

Ang Isotope/nuclear tracer technique ay isang pamamaraan upang masiyasat ang kalagayan ng lupang tatamnan ng magsasaka upang sa gayon ay maalaman niya kung gaano karami o kaunti ang kanyang ilalagay na maintenance gaya ng pataba o mga pestesidyo/herbisidyo.

Sa paraang ito ay gumagamit ng mga makabagong kagamitan gaya ng mass spectrometer at inaanalisa ang Carbon, Hydrogen, Oxygen, Nitrogen at Sulfur na nasa lupa upang maging produktibo ito at kumita ng karagdagan ang magsasaka sa sandaling duration ng kanyang pagtatrabaho.

Ayon kay Dr. Patricio S. Faylon, Executive Director ng PCAARRD, ang pagtutulungang ito ng kanilang konseho at ni Dr. Alumanda dela Rosa ng PNRI ay isa sa mga paraan upang ipakilala na maraming silbi ang enerhiyang nuclear di lang sa medisina at industriya bagkus pati rin sa pagsasaka.(MJ Balaguer)

Comments